Google

"im crunchy so bite me"

Thursday, May 05, 2005

sa araw ng mga ina...

mama taba...
wala po akong maibibigay o mahahandog man lang...
dependent parin po kasi ako sa inyo...

gumawa na lamang ako ng isang tula...

para kayo'y pasalamatan sa buhay na tinatamasa ko ngayon...


Nanay
ikaw ang saksi
sa aking pagsibol
ikaw ang kulay
sa larawan ng aking mundo
ikaw ang matatamis na prutas
na nagbibigay ng sustansya
ikaw ang aking ina
pano nalang ako kung wala ka...
madalas kang nag-aalala
kung ako ay nawawala
madalas ika'y lumuluha
kung nako'y napapariwara
madalas kang nagagalit
kung ika'y sinusuway
ikaw ang aking ina
pano nalang ako kung wala ka...
ikaw ang liwanag
pag ako'y nasa kadiliman
ikaw ang lakas ng loob
pag-nawawalan na ako ng pag-asa
ikaw ang tagapag-tanggol
kapag ako'y sinasaktan
ikaw ang tiga-salo
ng mga dusa at problemang dala ko
ikaw nga ang aking ina
pano nalang ako kung wala ka...
sa tuwing ako'y nalulumbay
andyan ka para ako'y pasiglahin
sa tuwing ako'y nanghihina
andyan ka para lutuan ako ng masasarap na pagkain
sa tuwing ako'y napapagod
andyan ka para ako'y pagpahingahin
ikaw talaga ang aking ina
pano nalang ako kung wala ka...
kahit na ika'y walang-wala
pinipilit mo parin akong bigyan
kahit na ika'y nahihirapan
gumagawa ka parin ng mga paraan para di ako mahirapan
kahit na ika'y gulong gulo na
di mo parin ito ipinapakita
dahil ikaw ang tunay kong ina
pano nalang ako kung wala ka...
ang lahat ng iyong ginagawa
ay para sa akin
ang lahat ng iyong iniisip
ay para sa akin
ang lahat ng iyong lakas
ay ibinibigay mo para sa akin
para sa aking kinabukasan
para sa ikagaganda ng aking buhay
aking nanay
pano nalang ako kung wala ka....
ngayong araw ng mga ina
wala ni isa man akong maibibigay
ngayong araw ng mga ina
isa nalamang ang aking iaalay
nanay ko...
maraming salamat sa iyong walang katulad na pagmamahal...

ang aking mahal na ina
Ms. Marina V. Bondoc
Cocoy n mama taba

3 Comments:

  • At 1:45 AM, Blogger proxima centauri said…

    how sweeet.

     
  • At 2:09 AM, Blogger maczie said…

    heya...i liked the way you wrote it...it's so spontaneous...thanks...i was just searching for something "makabuluhan" for sunday na pwedeng basahin sa harapan ng church namin for the mothers...at ito nga ang nakita ko..although im not really sure if im gonna submit this pero at least it inspired me a lot to write my own original composition...kasi it'l be a lot better kung original from our church yung magsusulat...anyway, thanks...keep it up! Happy mother's day na rin sa nanay mong mukhang mahal na mahal mo.
    Godbless you & your family!

     
  • At 7:25 AM, Blogger Gilbert said…

    WOW!!! VERY TOUCHY ANG GINWA MO. iT SHOWS NA GALING TALAGA SA PUSO MO ANG IYONG GINAWA..ACTUALLY, I WORK IN A RADIO STATION AT NAGHAHANAP AKO NG MAGANDANG MEANING ABOUT A MOTHER, SO, I CAN MAKE A TRIBUTE TO ALL THE MOM'S ESP. TO OUR LISTENERS AND YOU KNOW WHAT THROUGH THIS NAKAGAWA AKO NG MAGANDANG IDEA ON HOW WE CAN GIVE TRIBUTE TO ALL THE MOMS...tHANKS...DONT WORRIE HINDI KO KUKOPYAHIN LAHAT SLIGHT LANG...HEHEHEHE....gOOD WORK BRO..

    VERY INSPIRING!!!!UR MOM MUST BE PROUD OF YOU, TOO...

     

Post a Comment

<< Home