para kay yuan.*nais kong sariwain ang ating tagpo sa intramuros, isang ala-ala na kay sarap balik balikan, isang eksena na hindi ko malilimutan, basta masaya ako naganap iyon, wala na naman sa plano, at nakagawa ako ng isang obra patungkol dito, sana magustuhan mo*
pader.tumatakbo ang orasan ng city hall.
pero hindi gumagalaw ang mundo ko...
"kasama kasi kita"nakatingala tayo at nag-aabang sa sisilip na bituin.
pero di nya kayang magpakita...
"mapula kasi ang langit...may nagbabadyang ulan"sa gitna ng ating kwentuhan.
ay ang biglang katahimikan.
tinanong kita.
"ano bang nasa isip mo? kwento ka naman."at sinagot mo ito ng ngiti.
at nagsalubong ang ating mga mata.
napako ang titig ko sa iyong mukha.
nasabi ko sa sarili...
"sana di na matapos itong gabi... ayaw ko ng bumitaw ayaw ko ng gumalaw"at bumuhos ang luha ng langit...
naghanap tayo ng masisilungan.
"isipin mo na wala kang nararamdaman, di tayo mababasa dito... ako ang magiging payong mo"sa pagtayo mo.
naramdaman mo nga na di ito nakakabasa.
at sumunod ako.
hawak ang iyong
kamay.
niyaya kitang sumayaw.
at sa pagitan ng
city hall at
intramuros.habang tayo'y naliligo sa ulan.sunod sunod ang ating mga halakhak na
naririnig,ng mga
tulog na vendor.
ng mga
gwardiyang rumoronda.
ng mga nagpapahingang
pedicab dayber.
ng mga
pulubing natutulog sa bangketa.
ng mga
pusa at
dagang naghahanap ng basura.
ng mga
jeep na rumaragasa sa kahabaan ng
lagusnilad at
taft.at ng mga
kaluluwang naghahanap ng kapayapaan.parang tayo.nais ng katahimikan.nais ng kapayapaan.at sa pagitan ng city hall at intramuros natin ito nakita.alas-kwatro na pala.uwi na tayo at managinip..."hinaharangan ng malalaking pader ng intramuros ang ingay at pollusyon na mula sa labas, parang tayo, pinigil ang ingay at lumayo muna sa mundo... atin ang gabing iyon... sa atin ang mga buwan at bituin... sa atin ang mundo nung gabing iyon..."